2,767
‘Nakikisawsaw lang’: Ben Tulfo pinuna si Regine sa pagbira kay Locsin, Ogie to the rescue!
By

‘Nakikisawsaw lang’: Ben Tulfo pinuna si Regine sa pagbira kay Locsin, Ogie to the rescue!

“Ano bang alam nitong si Regine Velasquez other than kumanta lamang?”

“Siguro hindi na matanggap yung kanyang career na medyo dwindling na, e, may pana-panahon lang ‘yan.”

Ilan lang ‘yan sa mga naging komento ni Ben Tulfo sa kanyang Facebook Live matapos banatan ni Regine Velasquez sa Twitter si Foreign Affairs secretary Teddy Boy Locsin dahil sa pagpapabaya nito sa mga Chinese na kumuha ng clam sa Panatag Shoal.

Ayon kay Tulfo, dapat ay manahimik na lang umano si Velasquez at umiwas na sa tinawag niyang ‘pagsawsaw’ nito sa isyu dahil aniya, lalamunin lang siya ni Locsin sa diskusyon.

“Make sure na may laman ang utak mo. Make sure alam mo yung isyu and you can talk about it. Hindi mo ito balwarte. Yung kaalaman mo, itago mo na lang,” ayon kay Tulfo.

Samantala, dumepensa naman ang mister ng ‘Asia’s Songbird’ na si Ogie Alcasid, dapat aniya ay tumigil na si Tulfo sa pagbira sa kanyang asawa at siya ang harapin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?