38

May 29, 2020 @ 18:07
By

Naki-microwave sa bangko, arestado

Isang lalaki ang dinakip matapos niyang pasukin ang isang bangko.

Paliwanag ng suspek na hindi binanggit ang pangalan, nais lang niyang makigamit ng microwave ng bangko at mag-init ang kanyang pagkain, ayon sa ulat ng ABC-affiliate KGTV.

Pinasok ng lalaki ang isang Wells Fargo bank sa San Diego, California noong Mayo 27.

Binasag daw nito ang bintana ng bangko para makapasok, na siyang nag-trigger sa alarm.

Lumabas sa CCTV footage na ginamit nga lang ng lalaki ang microwave sa loob ng bangko para initin ang kanyang Hot Pockets, isang American snack.

Sa kabila nito’y inaresto pa rin ang suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?