48

Jun 3, 2020 @ 12:06
By

Nakaw na iPhone tinutugis ng awtoridad – Apple

Dahil talamak ang mga umano’y oportunista sa George Floyd protests, inulit ng Apple ang babala nito na sinumang magnanakaw ng gadget ng kompanya ay susubaybayan ng mga lokal na awtoridad.

Pansamantalang sinara ng Apple ang karamihan sa mga retail branch nito sa Amerika, sa gitna ng malalawak na rally upang kundenahin ang pagkamatay ni Floyd na isang black American na tinuhod ng isang puting pulis sa leeg hanggang mawalan ng hininga.

Habang may pagkilos, pinagkukuha ng mga looter ang mga binebentang produkto sa mga Apple store sa Washington D.C., Los Angeles, San Francisco, New York at Philadelphia.

Pero lumantad sa social media ang iPhone feature na dini-disable ang gadget ‘pag iligal itong kinuha sa tindahan.

Sa larawang tinweet ni @onlyfanobtainer, mababasa sa iPhone ang pahayag na:

“Please return to Apple Walnut Street. This device has been disabled and is being tracked. Local authorities will be alerted.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?