50
housing1
By

Nakatiwangwang na housing units, ipamimigay sa ibang beneficiaries

Sharing is caring!

Para mapakinabangan at hindi tuluyang masira lang, nagpasya ang Kongreso na i-award sa mga kuwalipikadong beneficiaries ang lahat ng mga housing units ng gobyerno na hindi napapakinabangan at nakatiwangwang lang.

Sa joint resolution no. 2 ng Kongreso, binibigyang kapangyarihan ang National Housing Authority (NHA) na ibigay sa mga kuwalipikadong beneficiaries ang mga hindi pa nai-award na housing units para sa mga mga miyembro ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection ( BFP) , Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Bureau of Corrections (Bucor).

Nakasaad sa joint resolution ng Kongreso na hindi dapat masayang ang mga housing projects na ipinatayo ng gobyerno , at dapat na mapakinabangan ito ng mga pilipino.

Kabilang sa mga maaaring i-award ng NHA ay yaong mga housing units na wala pang nakakuha, units na hindi naman tinirhan at isinurrender dahil kumuha ng bago sa ibang housing project , at mga hindi nahulugan at nakansela ang award.

Ayon pa sa joint resolution na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte, malaki ang pangangailangan ng mga pabahay sa bansa kayat sa halip na masira at hayaang nakatiwangwang ang ibang housing projects, mas mainam na ibigay na lamang ito sa mga kuwalipikadong nangangailangan ng maayos na matirhan.

Maaaring i-award ng NHA ang mga housing units sa mga kawani ng gobyerno na may mababang sahod, at prayoridad ang mga lowest 30% urban income-earners.

Ang joint resolution ay naipasa sa senado noong December 11, 2017 at inadopt naman ng kamara de representantes noong January 17, 2018, kung saan inaprubahan naman ni Pangulong Rodrigo Duterte noong May 9,2018.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?