13

Jan 11, 2022 @ 14:20
By

Nakangiti pa! Alexa sinakal si Brenda

Nagkasama-sama na naman ang mga housemate ng “Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10” sa isang reunion sa “Asap Natin ‘To.”

Sa isang photo album na in-upload ni Brenda Mage sa kaniyang Facebook, makikitang masayang-masaya sila sa muling pagsasama.

https://www.facebook.com/1615919885340751/posts/3113849892214402/

Makikita rin ang larawan ni Brenda na kasama si Alexa Ilacad, kung saan pabirong nasisiyahan ang aktres sa pagsakal sa kaniya, habang siya naman ay nagpapanggap na umiiyak.

Nag-upload din ng selfie si Brenda kasama ang kaniyang malapit na kaibigan sa loob ng Bahay ni Kuya na si Eian Rances.

Matatandaang, marami ang nagalit kay Brenda matapos nitong siraan si Alexa sa ibang housemate.

Ayon kay Brenda, nagawa niya lang naman ito dala ng selos dahil sa pagiging malapit ng aktres kay Eian.

Pagkalabas naman ng PBB House, humingi rin agad ng tawad sa kaniyang mga nasabi si Brenda sa Facebook.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?