320

Nov 29, 2017 @ 11:01

‘Nakalutang’ na pedestrian lane sa Makati, trending sa socmed

Usap-usapan ngayon sa social media ang tila ‘nakalutang’ na pedestrian lane na matatagpuan sa isang mall sa Makati City.

Dito’y ipinakita ang isang tila nakalutang na pedestrian lane o tawiran para sa tao.

Ang bagong 3D pedestrian lane na ito ay hango umano sa pedestrian lane sa Iceland.

Base umano sa pag-aaral, ang disenyong 3D na ito ng pedestrian lane ay maaaring maging daan sa mga motorista na mas maging maingat habang nagmamaneho at magdahan-dahan kung paparating na sa pedestrian lane kung saan tumatawid ang mga tao.

Sinabi ni Sherwin Saavedra, manager ng Circuit Makati and Ayala Triangle Gardens, paraan nila ito para mahikayat at madisiplina ang mga tao na gumamit at dumaan sa tamang tawiran sa pedestrian lane.

“If you look at it from afar parang naka-float yung tumatawid. Actually it’s just an illusion. Kapag nilapitan mo naman siya, it will just look like an ordinary pedestrian lane,” ani Saavedra sa UNTV News.

Ayon naman kay Engineer Alberto Suansing, kalihim ng General of Philippine Global Road Safety Partnership, ligtas gamitin ang makabagong disenyo ng 3D ng pedestrian lane at ginagamit na rin ito sa ibang mga bansa.

Dagdag pa niya, maaari ring magkaroon ng ganitong tawiran sa Metro Manila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?