70

Feb 4, 2019 @ 15:50
By

Nakalalasong kemikal sa lucky charms, ibinabala ng Ecowaste

Uso na naman ang pagbili ng lucky charms dahil sa selebrasyon ng Chinese New Year.

Pero nagbabala ang Ecowaste Coalition sa publiko sa maaaring dulot ng iba sa mga ito sa kalusugan.

Nadiskubre kasi na ang ilan sa lucky charms at amulets ay nagtataglay ng nakalalasong kemikal gaya ng cadmium at lead.

“Some lucky charms and amulets that are supposed to attract energy, health, fortune and happiness are unluckily contaminated with cadmium and lead, two highly hazardous substances that belong to the WHO’s list of 10 chemicals of major public health concern,” saad ni Chemical Safety Campaigner Thony Dizon.

Ito ay matapos bumili ang environment group ng 20 sari-saring lucky charms at amulets sa retailers sa Binondo at Quiapo at sinuri ito sa taglay na toxic metals gamit ang X-Ray Fluorescence device.

Dito nakita na 15 sa 20 na kanilang binili ay kontaminado ng sobrang antas ng lead at cadmium.

Ayon sa World Health Organization, ang lead exposure sa mga bata ay maaaring magdulot ng pagkasira ng brain development habang sa matatanda ay miscarriage sa kababaihan habang nakababawas sa sperm ng mga lalaki.

Ang pagkalantad naman umano sa cadmium ay magreresulta ng pagkabawas sa timbang ng bagong silang na sanggol, premature birth, at abortion.

Kaya payo ng Ecowaste, bumili ng lucky charms at amulets na may plastic laminate na poprotekta sa pintura nito na makalas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?