49

Mar 15, 2020 @ 9:36
By

Nakalaban ni Pacquiao dinampot ng mga pulis

Inaresto ng mga pulis ang boxing star na si Adrien Broner matapos masangkot sa driving under influence o pagmamaneho nang lasing nitong Biyernes ng gabi sa Miami Beach.

Bago dinampot ay pinara muna ng mga pulis si Broner dahil sa kaduda-duda nitong pagmamaneho. Nang sitahin ito ganap na alas-8:45 ng gabi, (Sabado, Manila Time), nadiskubreng nakainom kaya diniretso ito sa presinto.

8-oras ding nakulong ang boksingero bago napalaya nang magpiyansa ito ng $1,000 o katumbas ng P51,000.

Matatandaang suki na rin sa mga pulis ang Kanong boxer.

Taong 2019 kasi ay 2 beses itong naakusahan ng sexual assault.

Una itong hinuli noong February sa Atlanta hinggil sa panghihipo sa isang babae sa shopping mall.

Paglipas ng 4 buwan, kulong uli ito sa Cleveland dahil pinilit nitong halikan siya ng ibang babae sa nightclub.

Bukod dito ay nasangkot din ito sa pananakit sa ilang tao sa publiko, at hindi pagbabayad nang tama sa biniling mga alahas.

Kinonsidera si Broner bilang isa sa best prospect sa larangan ng boxing kaya inalyasan itong “About Billions.”

Nagbangasan na rin sila ng mukha ni fighting senator Manny Pacquiao noong January 2019 sa Las Vegas pero natalo ito sa Pambansang Kamao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?