21

Feb 13, 2020 @ 10:49

Nakakatuwang rekord nina Harden, Lillard

Naglista ng kakaibang record sa NBA All-Star Game noong nakaraang taon sina Damian Lillard ng Portland at James Harden ng Houston – lahat ng tira nila ay 3-pointers.

Kung magtatangka ang alinman sa kanilang dalawa ng 2-pointer – layup, dunk o mid-range, mababago ang kanilang All-Star shot charts.

Sa All-Star Game sa Charlotte noong nakaraang season, tumira si Lillard ng 17 shots, 13 kay Harden. Lahat ng bitaw nilang ‘yun, mula sa 3-point range.

Silang dalawa ang unang players sa All-Star history na bumitaw ng higit 10 shots sa laro pero walang nanggaling sa loob ng arc.

Sina Klay Thompson, Kyle Lowry, Bradley Beal at Kyle Korver ay pare-parehong may tig-isang 2-point try sa All-Star Game na kinakitaan ng double-digit 3-point attempts. Sina Lillard at Harden lang ang tumira ng ganu’n karami at lahat ay mula sa labas ng arc.

Pumukol ng total 17 3s ang East nang talunin ang West 141-139 noong 2010 All-Star Game sa Cowboys Stadium sa Arlington, Texas. Umabot sa 108,713 ang attendance sa laro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?