9

Oct 1, 2020 @ 13:46
By

Nakakatulong ba? Rice tarrification law rebyuhin – Hontiveros

“Kailangang i-review ang Rice Tariffication Law para makita kung talaga bang nakakatulong ito sa ating mga magsasaka lalo pa’t maraming lumalabas na problema sa implementasyon ng batas na ito.”

Ito ang inihayag ni Senator Risa Hontiveros kasabay ng panawagan para sa komprehensibong pagsuri sa Rice Tarification Law (RTL).

Kasunod ito ng nakaaalarma aniyang pagbagsak ng presyo ng palay sa kasalukuyan.

“Nakakaalarma at nakakalungkot na ang mga magsasaka na siyang nagsisikap para may kainin ang bawat pamilyang Pilipino ay siyang nanganganib magutom at maghirap dahil sa pagkalugi sa presyo ng palay.” she added.

Bago pa aniya ang pandemya, naapektuhan na ang kabuhaya ng mga magsasaka dahil sa mababang presyo ng palay na resulta ng pagpapatupad ng RTL.

Ito aniya ang dahinlan kung bakit inihain niya ang dalawang resolusyon para hingan ng paliwanag ang gobyerno kung paano matutulungan ang mga rice farmer.

“Bago pa ang pandemiya, marami nang problema ang hinaharap ng mga magsasaka sa bansa. I have filed Proposed Senate Resolution (PSR) 70, which sought a review of the implementation of the Rice Tariffication Law (RTL) and its effects, and PSR 152 which sought to explore ’emergency measures’ to aid farmers severely affected by the sudden drop in prices of palay,” sani Hontiveros.

Hinikayat pa nito ang mga kaukulang ahensiya ng gobyerno na i-secure ang bansa laban sa pagdagsa ng diumano’y undervalued o smuggled rice na siyang dahilan kung bakit bumabagsak ang presyo ng bigas sa bansa.

“Dapat mas maghigpit pa ang Department of Agriculture at Bureau of Customs para hindi basta-basta nakakapasok ang mga smuggled na bigas na pwedeng mas magpabaon pa sa ating mga magsasaka,” ani Hontiveros.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?