128

Oct 28, 2017 @ 16:00

Nakakatakot na costumes, binatikos ng pari

Pinuna ng isang paring Katoliko ang pagsusuot ng mga nakakatakot na costumes ng mga bata na nakagawian na tuwing nalalapit ang Undas.

Ayon kay Father Rolando Arjonillo, ang administrator ng “Catholics Striving for Holiness”, nahaluan na ng komersiyalismo ang kahulugan ng Halloween.

Paalala ni Fr. Arjonillo, ang Nobyembre ay buwan kung saan tayo ay tinatawag ng Diyos sa kanyang kabanalan.

“As the secularized modern society banalized and commercialized the meaning of ‘Halloween’ – with the eerie, diabolical, and [ghoulish] stealing the protagonism – it is again opportune to remind ourselves that, in the end, the good will ultimately triumph over evil, the holy over the [ghoulish], the saintly over the eerie,” saad ni Fr. Arjonillo.

Aniya, bukod sa ang Nobyembre ay buwan ng pag-unawa sa realidad ng ating misyon sa mundo, ito ay pagkakataon din para maunawaan ang kahulugan at layunin natin sa mundo.

“’Halloween, All Saints’ Day, and All Souls’ Day are not only occasions when we should be reminded of our earthly life’s fleeting state – the reality of death, of our particular judgment, of heaven, purgatory and of hell, but also the time when the Church beckons us to reflect on the meaning and purpose of our existence and of our divine calling to eternal happiness made possible by living a holy earthly existence,” paliwanag pa ng pari. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?