102

May 30, 2020 @ 14:47
By

Nakakasuka ang ginawa! Misis ng pumatay kay George Floyd, gusto makipaghiwalay

Nararanasan na ni Minneapolis police officer Derek Chauvin ang karma sa kanyang ginawang pagpaslang sa black man na si George Floyd.

Matapos sampahan ng kasong third degree murder at second degree manslaughter, isa pang problema ang kakaharapin ni Chauvin sa kanya namang pamilya.

Sa statement ng Sekula Family Law office, abogado ng misis ni Derek na si Kellie Chauvin, nagsampa ito ng dissolution of marriage para mapawalang-bisa ang kasal nila ng police na tinanggal na sa serbisyo.

“This evening, I spoke with Kellie Chauvin and her family. She is devastated by Mr. Floyd’s death and her utmost sympathy lies with his family, with his loved ones and with everyone who is grieving this tragedy. She has filed for dissolution of her marriage to Derek Chauvin,” ayon sa pahayag ng abogado ni Kellie.

“While Ms. Chauvin has no children from her current marriage, she respectfully requests that her children, her elder parents, and her extended family be given safety and privacy during this difficult time.”

Nag-viral ang video kung saan makikita si Derek na nakasampa ang tuhod sa leeg ni Floyd matapos itong arestuhin dahil sa forgery.

Dahilan ng pulisya, pumapalag umano sa aresto si Floyd kaya tinuhod ang leeg, ngunit kalaunan ay namatay ang black man dahil nahirapan sa paghinga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?