18

Jan 12, 2022 @ 10:21
By

Nakakandadong lugar sa ‘Pinas umakyat sa 170

Pumalo na sa 170 ang bilang ng mga lugar sa bansa na nasa ilalim ng granular lockdown, batay sa tala ng PNP ngayong Miyerkoles.

Sa naturang bilang, 94 ang naka-lockdown na lugar sa Metro Manila, 57 mula sa Cagayan region, 13 mula sa Ilocos region, lima mula sa Mimaropa at isa mula sa Cordillera.

Sa kabuuan, 702 indibidwal ang apektado ng naturang mga lockdown.

Noong Martes ay 116 lugar pa lang ang nasa granular lockdown.

Sa ilalim ng alert level system, maaaring isailalim sa granular lockdown ang isang bahay, compound, kalye, o gusali kung saan marami ang may COVID.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?