231

Feb 16, 2020 @ 15:55

Nakakalula! Turista buwis-buhay sa selfie

‘Di ininda ng isang turista ang panganib at umusod pa sa dulo ng isang bundok sa Brazil para sa larawan.

Sa Reddit thread SweatyPalms, pinost ni user monomotive ang isang 14-segundong video ng pag-pose ng isang babaeng turista habang nasa dulo na ng isang bahagi ng Pedra da Gávea Mountain sa Brazil.

Maririnig ang “More! Come on!” mula sa lalaking cameraman na hinihikayat na bumaba pa ang babaeng turista, kahit walang makakapitan ni harang sa bahagi ng bundok.

Inis na inis ang mga netizen at sinabing hindi sulit na malagay ang buhay sa panganib kapalit ng magandang larawan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?