abante-tnt-vismin-instagram

Nakakairitang accounts, puwede nang maiwasan sa Instagram

Sharing is caring!

Isa lang ang solusyon para hindi mo na makita ang mga nakakainis na memes, status updates at walang katapusang selfies ng mga kaibigan mo sa Instagram kundi i-unfollow mo sila.

Pero hindi ito ganoon kadali dahil maaaring pagmulan ito ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ninyong dalawa.

Ngayon ay may hatid na solusyon para rito ang Instagram.

Maaari mo nang i-mute ang mga nakakainis na tao na ito para hindi mo na makita ang mga ipino-post nila, na hindi na kinakailangan pang i-unfollow sila.

Sa susunod na may nakita kang nakakainis sa iyong feed, pindutin mo lang ang tatlong tuldok sa itaas na kanang bahagi ng post.

Kung updated na ang Instagram mo, makikita mo ang bagong menu na may option na “Mute”.

Ito lang ang kinakailangan mong pindutin kung imu-mute mo lahat ng posts ng isang account pati na Stories o kung ang public images lang.

Maaari mo pa ring i-chat ang mga tao na ito sa pamamagitan ng direct messaging sa IG kahit pa na-mute muna sila.

Makikita mo pa rin ang posts nila sa pagbisita sa kanilang profile page nang hindi nila nalalaman na muted na ang kanilang account sa iyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,