46

Sep 16, 2021 @ 19:50
By

Nakakahiya! Blackwater talo ng 18 sunod

Nakalimutan na ng Blackwater Bossing kung paano manalo, at ang pakiramdam ng nanalo.

Muling naging kapos na bandera ang laro ng Blackwater sa huli nilang laro sa 2021 PBA Philippine Cup at tumaob sa NLEX, 90-73, ngayong Huwebes.

Gaya ng mga una nilang laban, dumikit pa ang Bossing sa first half bago muling bumigay sa second half.

Umiskor si JR Quinahan ng 16 points, habang apat pang Road Warriors ang tumapos sa double digit scoring.

Napahinto ng NLEX ang kanilang three-game losing skid at binuhay ang kanilang tsansa sa quarterfinals sa kanilang 5-5 kartada.

Sa kabilang dako, sinubukan ni Simon Enciso na buhatin ang Blackwater sa kanyang 17 points, ngunit wala pa rin itong nagawa para isalba ang koponan sa nakakahiyang 0-10 kartada.

At kung susumahin ang nakaraang kumperensya, tinabla ng Blackwater ang pinakmahabang losing streak sa liga na 18 game losing skid, na huling naitala ng Presto noong 1980.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?