69

By

Nakakabuhay ng pamilya na national minimum wage, karapatan ng mga manggagawa – Gutoc, Colmenares

Dapat umanong iprayoridad sa 18th Congress ang pagtatakda ng national minimum wage na base sa aktuwal na cost of living sa bansa.

Ito ang tinuran nina senatorial bets Samira Gutoc at Neri Colmenares, dalawang araw bago ang Labor Day sa Mayo 1.

Anila, karapatan ng mga manggagawa ang isang disente at nakakabuhay ng pamilya na national minimum wage.

Saad ni Gutoc, dapat umanong pareho na rin ang sahod ng mga tao sa buong bansa na naghihirap dahil sa TRAIN Law.

Samantala, kapwa suportado nina Gutoc at Colmenares ang panukalang P750 national minimum wage dahil kung may national minimum wage umano ay dadami ang maeengganyo na sa probinsya magtrabaho kaysa dumayo pa ng Metro Manila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?