jv-ejercito-ginhawa-ng-bayan
By

Nakaka-stress ang balitang pulitika

Sharing is caring!

HINDI tayo nawawalan ng magandang balita na sana naman ay nakakapagbigay sa atin ng inspirasyon.

Napapansin lang natin na kapag “stress” na mga Pilipino dahil sa panay pulitika na lang ang laman balita, bigla ay may mababasa tayong good news.

Tulad na lang ngayon na parang yamot na ang karamihan dahil ang bumubulaga sa atin tuwing makikinig tayo ng radyo sa umaga ay ang isyu ng pederalismo, impeachment in CJ Sereno, ang panukalang Bangsamoro Basic Law (kung maituturing itong political issue), at isama pa d’yan ang krimen at ang sirain na MRT.

Pero heto at bigla na lang sumulpot ang balitang ang Pilipinas ay itinuturing na “Best Country to Invest In.” Ayos, ‘di ba? Kumbaga, panabla ang good news na ‘to sa mga bad news.

Talagang “feel good” ang balitang ang Pilipinas ay “Best Country to Invest In.” Ang US News and & World Report na isang US- based research firm ang nagsabi niyan at hindi ang atin gobyerno.

Ibinida ng research firm ang datos ng United Nations na nagpapakita ng magandang performance ng Pilipinas sa kabila ng humihinang daloy ng foreign direct investment sa buong Southeast Asia region.

Ayon pa sa balita, tantiya ng US News & World Report na sa darating na mga taon, inaasahang bubuhos sa Pilipinas ang foreign direct investments mula sa mga powerhouse na bansa sa loob mismo ng rehiyon tulad ng China na naghahanap ng available labor sa mga developing countries.

Kung gusto natin na magkatotoo ang tantiyang ito, siguro gawin na natin ang nararapat para lalong maakit ang mga foreign investor.

Mahusay, masisipag, at maaasahan ang manggagawang Pilipino at isa ‘yan sa asset na nagugustuhan sa atin ng mga dayuhan.

Ang kailangan na lang ay infrastructures na ginagawa na at marami na ang natapos samantalang iyung iba ay malapit na ring makumpleto.

Ang maganda dito, naglaan si Presidente Duterte ng P8 trillion para sa infrastructure projects na gagawin sa loob ng kanyang termino sa ilalim ng “Build, Build, Build” program.

At siyempre, kailangan i-relax ang ating mga regulasyon sa pagtatayo ng negosyo para hindi ma-stress ang mga investor. Ito ‘yung tinatawag na “ease of doing business.”

Kapag nakumpleto natin lahat ito at nagdagsaan ang mga dayuhan negosyante, hindi lang magandang balita kundi kongkretong “GINHAWA” ang hatid nito sa ating mga kababayan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?