17

May 26, 2021 @ 15:24
By

Nakaka-LUKA! Clippers baon sa serye, 0-2

Muling nag halimaw ang batang superstar na si Luka Doncic at inangkin ng Dallas Mavericks ang 2-0 abante sa kanilang best-of-seven first round playoff series matapos muling daigin ang Los Angeles Clippers, 127-121, nitong Miyerkules (Philippine time).

Kumana ng 39 points si Doncic ngunit bukod sa kanyang naglalagablab na laro ay nakakuha siya ng suporta mula kina Tim Hardaway Jr. na may 29 points at Kristaps Porzingis na umiskor ng 20 points.

Mainit ang shooting ng Mavericks sa buong laro kung saan 18 three-pointers ang kanilang ibinaon – anim dito ay mula kay Hardaway at lima naman mula kay Doncic.

Sinubukan ng tambalang Paul George at Kawhi Leonard na maitabla ang serye sa pinagsama nilang 69 points ngunit maging ito ay hindi sapat para maisahan ang Mavericks.

Malaking dagok ito para sa Clippers dahil ang game 3 at game 4 ay sa homecourt na ng Dallas gaganapin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?