1,100

Jun 20, 2020 @ 21:16

Nakainom na rider todas sa truck

Dahil sa alak, patay ang isang driver ng motorsilko habang malubhang nasugatan ang backride nito matapos suwagin ang nakaparadang truck sa national road ng Barangay Buenlag, Mangaldan, Pangasinan noong Biyernes.

Ayon kay Mangaldan Police Station (MPS) commander P/Lt. Col. Jun Wacnag, kinilalala lamang ang driver ng motorisiklo sa pangalang na `Alfred’ at sakay nitong si `Anton’ ng nasabing bayan.

Sa inisyal na report, sinabi ni Wacnag, tinatahak ang motorsiklo na minamaneho ni Alfred ang kahabaan ng Barangay Buenlag na pawing nakainom ng alak.

Sinabi ng opisyal na dire-diretso at mabilis umano ang takbo ng motorsiklo at bumangga ito sa nakaparadang truck na noon ay inaayos dahil na-flat ang gulong nito.

Agad na isinugod ang biktima ang mga biktima ngunit dead-on-arrival si Alfred habang under observation naman si Anton dahil sa mga tinamong sugat sa katawan at ulo.

Paalala ng hepe sa mga motorista na iwasan ang pag-inom ng alak at kung nakainom ay mas mabuting huwag na lamang magmaneho. (Allan Bergonia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?