91

Aug 2, 2019 @ 22:37
By

Naispatang LPA, posibleng maging bagyo

Maaaring lumakas ang low pressure area (LPA) na namataan sa Virac, Catanduanes sa susunod na dalawang araw.

Tatawagin itong bagyong Hanna, ayon sa PAGASA.

Huling nakita ang LPA sa 1,060 kilometro silangan ng Virac.

Makakaranas ang Bicol Region, Visayas, Caraga at Davao Region ng maulap na may kalat-kalat na pag-ulan dahil sa trough ng LPA.

Patuloy namang makakaapekto sa kanlurang bahagi ng Luzon ang southwest monsoon o hanging habagat.

Maging ang Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, CALABARZON, MIMAROPA, Zamabales, Bataan at Central Luzon ay patuloy ding makakaranas ng monsoon rains.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?