212

Feb 21, 2020 @ 11:23
By

Nainis sa ESPN draft expert! Peek pumalag sa panlalait kay Kai

Hindi nagustuhan ni 6x PBA champion Ali Peek ang tila panlalait ng ESPN draft expert na si Jonathan Givony sa Filipino NBA prospect na si Kai Sotto.

Nito kasing nakaraang linggo ay kalahok si 7-foot-2 center Kai sa BWB Global Training camp. Napabilang ang kanyang pangalan sa 64 pang napiling players mula sa iba’t ibang bansa.

Kaliwa’t kanan man ang papuri kay Kai, tila ‘di naman bilib sa kanya ang draft expert.

“His performance at the BWB camp was somewhat inconsistent,” puna ni Givony kay Kai.

“Sotto didn’t look ready for the level of physicality and intensity,” tila banat pa nito.

Nagtengang kawali naman si Ali at sa sobrang pagkairita ay ‘di nito napigilang mag-react sa social media.

@mtnpeek: “What reality check? This is his first time right? Plus hes only 17! Hes got plenty of time. The fact hes there says plenty”

Si Kai ay matagal nang manok ni Ali. Naglalaro pa lang ito sa FIBA U17 at U19 ay nakitaan na niya ng potential at magandang future sa larangan ng basketball ang former Ateneo star.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?