5
horse-race
By

Naingusong 3 kabayo nagsipanalo

Sharing is caring!

NAGSIPANALO lahat ang tatlong naituro nating angat sa ating karera nitong Biyernes nang gabi. Ang unang nagwagi ay itong si Spicy Time na pinatungan ni Hermie R. Dilema.

Pagbukas ng aparato ay umalpas kaagad ang kabayong ito ni Hubert Leong at hindi na inabot hanggang sa sapitin ang meta.

Kasunod nang panalo niya ay ang panalo rin ni Sheer na ginabayan ni E.G. Guerra. Hugando rin ang panalo nito at nasegundo sa kanya ang dehadong si Sunshot.

Isa pang paborito ang nanalo. Ang stayer na si Fast Strider ay kumikig nang husto sa huling ilang metro para abutin ang nangungunang si Sky Plus bago tumapak sa meta

At winner rin ang isa pang paborito na si Wannabe na dinala ni J.V. Ponce sa huling karera.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?