29

Apr 14, 2020 @ 22:45
By

Naic mayor gumaling sa COVID-19

Nakarekober sa coranavirus disease 2019 ang alkalde ng Naic, Cavite.

Ayon kay Mayor Junio C. Dualan, nagbigay sa kanya ng kalakasan para malagpasan ang infection ang pananalig sa Diyos.

“Araw ng pagkabuhay ng ating Panginoong Hesus, dumating po ang resulta ng aking swab test at sa awa ng Panginoon ito po ay negative na,” ani Dualan.

Inalala niya nang una siyang makaramdam ng sintomas noong March 17 at nagpositibo sa COVID-19 noong March 22.

Sa kanyang Facebook account sinabi ni Dualan na as of 2 p.m. ng April 13, mayroon nang apat na COVID-19 case sa kanilang munisipalidad.

Isa ang namatay habang isa ang nakarekober. 16 naman ang suspected persons under investigation.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?