101

Mar 24, 2020 @ 22:00
By

Naic, Cavite mayor nagpositibo sa COVID-19

Malungkot na binalita ni Naic town Mayor Junio Dualan na positibo ang resulta ng ginawang swab testing sa kanya noong Marso 18.

Ayon sa alkalde, nagdesisyon siyang magpa-test matapos malaman na positibo sa COVID-19 ang isang mayor sa Bulacan na nakasama niya sa isang event.

“Ikinalulungkot ko pong ibalita na ang resulta ng swab testing na ginawa sa inyong lingkod noong March 18, 2020 ay “positive”. Minabuti ko pong pumunta muna sa isang ospital upang mag undergo ng thorough check up para na rin malaman ang kalagayan ng aking katawan. After ng ilang tests at procedures ay “positive but in good condition” po ang naging resulta kung kaya’t ako po ay pinayuhan na mag strict self quarantine,” sabi sa FB post ni Dualan.

Bunga nito, nanawagan siya sa lahat na sundin ang mga guidelines ng gobyerno ukol sa enhanced community quarantine dahil para na rin ito sa kapakanan ng lahat.

“Muli po hinihingi ko ang inyong pang unawa at dasal. Sana po ay ating sundin ang mga guidelines ng gobyerno ukol sa enhanced community quarantine dahil ito naman po ay para din sa inyo at para sa lahat. Sa awa ng Panginoon alam kong malalampasan natin ang lahat ng ito. Mag ingat po kayong lahat at mahal ko kayo Naicqueños!” dagdag ng mayor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?