35

Oct 19, 2017 @ 17:11

NAIA, from worst to best — Tugade

Nagpakumbaba pa si Transportation Secretary Arthur Tugade sa pagkakatanggal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa listahan ng “world’s worst airports”.

Nakiusap pa si Tugade na tigilan na ang papuri sa kanila, lalo na sa pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA), dahil baka makalimutan nila na marami pang pagbabago ang kailangang gawin sa pangunahing paliparan ng bansa.

Ngunit hindi naman itinanggi ng kalihim na nagpapasalamat at natutuwa sila dahil sa tagal na panahon na hawak ng NAIA ang titulong “world’s worst airport” ay natanggal nila ito sa loob lang ng mahigit isang taon.

Giit ng kalihim, marami pa ang dapat gawin para naman kilalanin ang NAIA kundi man bilang “world’s best airport”, ay sapat na hirangin ito na isa sa “world’s best”.

Isa na rito ang pagpapalawak ng NAIA at pagbili ng mga bago at modernong kagamitan para lubos na matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero nito. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?