98

By

NAIA tinaningan ni Tugade ng 10 taon

Sharing is caring!

Tinaningan ni Transportation Secretary Arthur Tugade ng 10 taon ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kung hindi masosolusyunan ang problema nito sa congestion o pagsisikip.

Ginawa ito ng kalihim sa ikatlong pagdaraos ng Philippine Economic Briefing sa Asean Convention Center sa Clark Freeport Zone.

Ayon sa kalihim, hindi pang “forever” ang NAIA kaya pinag-aaralan nilang mabuti ang mga panukala na take-over sa maintenance at operation ng pangunahing paliparan ng bansa.

Sinabi ni Tugade na dahil sa nararanasang pagsisikip sa airport, itinutulak nila ngayon ang pagsasa-ayos ng apat na terminal ng NAIA o paglilipat ng mga flight sa pagitan ng mga airport.

Inihalimbawa ni Tugade ang paglilipat ng mga biyahe mula NAIA sa Clark Airport.

Nagsumite na aniya ang tinaguriang “super consortium” na kinabibilangan ng 7 sa pinakamalaking kompanya sa bansa ng P350B proyekto para i-overhaul at i-operate ang NAIA sa susunod na 35 taon.

Pero ayon kay Tugade, dapat isama ring sa pag-aaral ang posibleng epekto ng mga nasabing proyekto sa trapiko sa labas ng mga paliparan sa halip na tutukan lamang kung paano mapapalaki ang kapasidad ng mga airport.

Dapat din aniya naaayon ang mga proposal ng pribadong sektor sa mga nakalatag na plano ng gobyerno para sa paliparan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }