79

Feb 7, 2018 @ 19:18
By

NAIA Terminal 3 palalamigin ng 16 higanteng aircon units

Magiging komportable na ang mga pasahero sa Ninoy Aquino Internaitonal Airport Terminal 3 at hindi na irereklamo ang init sa loob.

Inanunsiyo ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal na sinimulan na kanina ang pagkakabit ng mga 12-tonner 15HP stand alone air-conditioning units sa Pre-Departure Area sa Domestic Wing.

Ayon kay Monreal aabot sa 16 units ng mga malalaking aircon at ikakabit kayat tiyak niya na hindi na irereklamo ang init sa terminal.

Dagdag pa nito kabuuang 32 aircon units naman ang ikakabit sa Pre-Departure gates sa International Wing sa susunod na linggo.

Inaasahan na ito ay matatapos sa Marso kasabay nang pagpasok ng Summer season sa bansa kung kailan dagsa sa mga airports ang magbabakasyong pasahero.

Idinagdag pa ni Monreal na inaayos na rin central air conditioning system ng Terminal 3. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?