49

Sep 29, 2017 @ 13:56

NAIA kinabitan ng bagong x-ray machine

Lalagyan ng tatlong bagong x-ray machine sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 at Terminal 3 para makakatulong sa ang mga insidente ng smuggling at drug trafficking sa paliparan.

Ayon sa Bureau of Customs-NAIA (BOC-NAIA), 16 na iba pang mga bagong X-ray machine ang ikakabit din sa iba pang terminal sa NAIA.

Ang mga bagong makina ay kinabibilangan ng sampung brand new unit ng Fixed Baggage X-Ray Machine; pitong brand new unit ng Hand-Carried Baggage X-Ray Machine at dalawang brand new unit ng Mobile X-Ray Machine.

Ang pagkakabit sa mga makina ay gagawin ng nagwaging bidder na Casedist Inc. “The previous pronouncement of President Duterte not to open hand carried bags and luggage is loud and clear. With these new x-rays, his orders will be well implemented,” saad ni BOC Commissioner Isidro Lapena said.

Aniya, obligado na maisailalim sa pagbusisi ng X-Ray machine ang mga hand carried baggage sa mga paliparan.

“We can guard our borders while implementing the non-intrusive examination of bags,” dagdag ni Lapena. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?