43

Oct 15, 2017 @ 13:58

NAIA janitress tinangayan ng turista

Nagpaalala ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa lahat ng mga pasahero at empleyado na bantayan ang kanilang mga personal na gamit.

Sinabi ni MIAA Media Affairs Division Dir. Jesus Martinez, na lalo na ngayong papalapit na ang Kapaskuhan tiyak na dadagsa ang mga pasahero sa apat na terminal ng NAIA at maaaring samantalahin ito ng mga kawatan.

Binanggit nito na noon lang nakaraang buwan, tinangay ng isang turistang Polish national na si Dorota Lidia Rasinka Samocko ang bag ni Elsie Amplayo, janitress sa NAIA Terminal 1.

Laman ng bag ni Amplayo ang kalahating buwan niyang suweldo na P4,000.

Idinagdag pa ni Martinez, na sa pagpapatupad nila ng Oplan Undas 2017 ay kinansela na ang lahat ng leave ng kanilang mga security personnel dahil magpapatupad sila ng maximum deployment bunsod na rin ng inaasahang pagdagsa ng mga pasahero ng domestic flights. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?