371

Nov 30, 2021 @ 21:27
By

NAIA janitor sinoli napulot na P500K, tumanggap ng cash reward

Nasuklian ang katapatan ng isang janitor sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), na isinoli ang napulot na bag na naglalaman ng US$10,000 o mahigit kalahating milyong piso.

Unang nakita ni Jhun Telewik ang bag sa isang upuan sa Terminal 2 habang naghahakot siya ng basura noong November 27.

Ngunit pagbalik niya ay naroon pa rin ang bag kaya humingi na siya ng tulong sa mga airline ground attendant para hanapin ang may-ari nito.

Ngunit nang walang mag-claim, dinala na niya ang bag sa Lost and Found office.

Ayon sa Manila International Airport Authority, walang anumang ID o dokumento sa loob ng bag na magtuturo sa may-ari nito.

Kalaunan isang Pilipino ang nagpakilalang anak ng may-ari ng bag nitong Martes.

Bilang pasasalamat niya kay Telewik, binigyan niya ito ng reward na US$100 o mahigit P5,000.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?