62

Oct 18, 2017 @ 17:16

NAIA hindi na “World’s Worst Airports”

Nakahinga na nang maluwag ngunit malaking hamon naman ang kinakaharap ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal.

Kaugnay ito ng pagkakatanggal ng NAIA sa listahan ng “World’s Worst Airports” base sa isinagawang survey ng sleepingairports.net.

“The bigger challenge is to maintain or even surpass our achievement,” ani Monreal.

Nauna nang sinabi ni Transportation Sec. Arthur Tugade na kailangan na pag-ingatan at huwag magpabaya para hindi na muling kilalanin bilang “world’s worst airport” ang NAIA.

“Work, work, work lang. While it is good that we are not listed among the worst, let us work even harder to be included amongst the best,” sabi pa ni Tugade.

Magugunita na tatlong taon simula noong 2011, hawak ng NAIA ang titulong “world’s worst airport”.

Noong 2014 ay pumang-apat pa ito sa listahan at nang sumunod na taon ay nalaglag na ito sa Top 10 ngunit naging pang-walo naman sa ‘worst airport’ sa Asya.

Noong nakaraang taon, muling nakilala ang NAIA sa modus naman na “laglag bala”. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?