852

By

Nai-insecure din! Catriona pinakita ang mukha na walang makeup

Walang tinatago si Miss Universe 2018 Catriona Gray, na kahit ang kanyang mga acne marks at nunal sa mukha ay game niyang pinakita.

Sa Instagram ay pinasilip ni Cat ang kanyang mukha na walang makeup, na pinatunayang kahit siya ay may mga insecurity din sa kanyang itsura.

“This is the skin I wake up in every day. I love playing with makeup and being glam, but I’ve also grown to love the skin I wake up in acne scars, moles and all,” saad ng beauty queen.

“I too have days where I don’t feel confident, or my insecurities are louder…but that’s okay. Loving yourself as you are is a journey, but it’s a journey worth taking.”

Marami naman ang nag-comment sa kanyang IG na kapwa nito beauty queen, ito ay sina Miss Universe 2019 first runner-up Tamaryn Green at Femina Miss India 2018 Meenakshi Chaudhary.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?