368

Jul 6, 2018 @ 15:51
By

Nahuling tambay sa Metro Manila, umabot na sa 30K – NCRPO

Umabot na umano sa mahigit 30,000 ang nadakip dahil sa paglabag sa iba’t ibang ordinansa sa Metro Manila.

Ito ay may isang buwan matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kampanya kontra tambay.

Sa datos na inilabas ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director Chief Supt. Guillermo Eleazar, kabuuang 32,803 ang nahuli sa National Capital Region.

Ang pinakamalaking bilang umano nahuli dahil sa paglabag sa smoking ban na kabuuang 10,020.

Nasa 5,578 ang hinuli sa paglabag sa curfew hours, habang 4,951 ang dahil sa walang damit pang-itaas.

Kabuuang 4,544 na indibiduwal naman ang nadakip dahil sa pag-iinuman sa kalsada habang 7,705 naman sa iba pang ordinansa. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?