98
colorum
Apr 2, 2018 @ 15:10
By

Nahuling kolorum na bus, van umabot na sa 200

Umakyat na sa 210 na mga colorum na bus at van ang hinatak ng mga tauhan ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG).

Ayon kay PNP-HPG Director Police Chief Supt. Arnel Escobal, ang bilang na ito ay mula noong Marso 23 nang ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mahigpit na panghuhuli ng mga kolorum na sasakyan matapos ang aksidenteng kinasangkutan ng Dimple Star bus kung saan 19 katao ang nasawi.

Pinakamarami aniyang nahatak na kolorum na sasakyan sa Region 4B na umabot sa 51 na bus at 21 na van.

Aniya, maraming kolorum sa Region 4B dahil dito nag-o-operate ang Dimple Star bus na kinonsidera nang kolorum matapos mangyari ang aksidente.

Sa kasalukuyan naka-impound sa regional offices ng PNP-HPG ang mga hinatak na sasakyan.

Ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board na ang bahala nang magsampa ng kaso at pagmultahin ang operators ng mga nahuling sasakyan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?