13

By

Nahuli sa ‘anti-tambay’ sa Metro Manila, umabot na sa 28K

Sharing is caring!

Sa higit dalawang linggo na pagpapatupad ng anti-tambay campaign sa Metro Manila, umakyat na sa 28,000 ang bilang ng naaresto rito.

Sa datos mula sa National Capital Region Police Office, mula Hunyo 13 hanggang kaninang madaling-araw, 8,308 o 30 porsiyento sa mga hinuli ay lumabag sa smoking ban.

May 6,547 o 23.31 porsiyento naman ang lumabag sa iba pang mga ordinansa.

Ang mga menor de edad na sumuway sa curfew hours ay 4,963.

Nasa 4,150 naman ang half naked o walang damit pang-itaas habang 4,139 ang hinuli dahil sa pag-iinuman sa kalsada.

Sa limang distrito ng pulisya sa Metro Manila, ang Eastern Police District ang may pinakamalaking bilang ng nahuli sa 11,937, kasunod ang Southen Police District at pangatlo ang Quezon City Police District.

Sinimulan ang anti-tambay sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?