258

Aug 15, 2019 @ 14:20

Nahuhuling isda sa Pasig River, delikadong kainin – PRRC

Nagbabala sa publiko ang Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) laban sa pagkain ng isda na nahuhuli sa Pasig River.

Reaksyon ito ng PRRC matapos ang isinagawa nilang pagsusuri at tissue analysis sa may tatlong kilong bigat na tilapia na nahuli sa Estero de San Miguel noong nakaraang buwan.

Nakita sa naturang isda ang mataas na antas ng mga nakalalasong metal chromium, fecal coliform, arsenic, cadmium, mercury at lead.

Maging ang tilapia, kanduli at banak na nakuha naman sa Guadalupe Station ay nakitaan ng mataas na antas ng fecal coliform.

Kaya paalala ng ahensiya, huwag nang kainin ang mga isdang nahuhuli sa Pasig River para maiwasan ang negatibong epekto nito sa kalusugan. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?