18

Nov 24, 2020 @ 8:34
By

Nahawa sa COVID-19 sa daigdig 59M na

Tumalon na ang kabuuang dami ng mga tao sa buong mundo na nagpositibo mula sa coronavirus disease 2019 sa 59 milyon.

59,070,488 ang partikular na bilang, ayon sa dashboard ng Johns Hopkins University ngayong Martes ng umaga (PH time).

Una rito ang United States (12.39 milyon), sumunod ang India (9.14 milyon) at Brazil (6.07 milyon).

1,394,694 naman na ang ginupo habang 37,691,380 ang gumaling mula sa COVID-19 worldwide.

Ayon sa dashboard ng JHU, 191 mga bansa o mga rehiyon na ang kasalukuyang nilalabanan ang pandemyang new coronavirus.

Samantala, sa Pilipinas naman hanggang nitong Lunes ng hapon, naitala ang 420,614 kumpirmadong kaso ng nasabing nakahahawang sakit.

8,173 naman ang namatay habang 386,804 na ang nakarekober mula sa COVID-19 sa bansa natin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?