54

Feb 18, 2020 @ 10:44
By

Nahawa sa coronavirus lampas 73K na

Nasa 73,326 na ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng novel coronavirus disease 2019 (COVID-19) hanggang ngayong Martes ng umaga.

Malaking bahagi nito ang mula sa mainland China (72,430 kumpirmadong kaso) at sa Diamond Princess cruise ship na naka-quarantine sa Japan (454 kumpirmadong kaso).

Sa Pebrero 18, 2020 na tala rin ng Johns Hopkins CSSE tracker, umakyat na sa 12,677 ang mga gumaling habang 1,873 ang mga pumanaw dahil sa naturang virus.

Sa Pilipinas, tatlo pa rin ang nagpositibo habang 137 ang nasa ospital dahil sa COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?