11

Sep 15, 2021 @ 9:30
By

Nahawa ng COVID worldwide namaga sa 226M

Sumipa na sa 226,370,757 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa buong mundo.

Ayon sa datos ng Worldometer, 4,657,295 indibidwal na ang pumanaw dahil sa naturang sakit at 203,050,174 naman ang gumaling.

Nananatiling topnotcher sa listahan ng pinakamaraming kaso ng virus ang USA na kasalukuyang mayroon 42,153,664 — 629,310 dito ang nasawi at 32,069,000 naman ang gumaling.

Umakyat nakan sa ika-19 na puwesto naman ang Pilipinas na kasalukuyang mayroong kaso na 2,266,066 — 35,529 dito ang nasawi at 2,052,867 naman ang nakarekober.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?