142

Nov 2, 2017 @ 14:44

Nahakot na basura sa 6 libingan, kaunti lang – MMDA

Dahil maituturing na manipis ang bilang ng mga nagsidalaw sa mga libingan, mas kaunti ang nahakot na mga basura ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

Ayon kay Bong Nebrija, operations supervisor ng MMDA, hindi pa nakapuno ng isang truck ang mga nakolekta nilang basura sa anim na libingan: Manila North, Libingan ng mga Bayani, Loyola Memorial Park, Bagbag Cemetery, San Juan Cemetery at Manila South.

Aniya, hindi pa umabot sa anim na tonelada ang nahakot nilang basura, sabay paliwanag na ang isang truck nila ay may kapasidad na anim na tonelada.

Ngunit sinabi nito na ang mga nahakot nila ay sa labas lang ng bakuran ng anim na libingan.

Noong Undas 2016, 27 truck na may katumbas na 162 tonelada ang kanilang nahakot na mga basura.

Malaking tulong din ang Buddhist Tzi Chu Foundation na nangolekta ng mga recyclable materials sa loob ng mga pangunahing libingan, gayundin ang waste disposal team ng mga lokal na pamahalaan. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?