945

Dec 11, 2019 @ 21:05
By

Nagyabang lang! Mga netizen napundi sa speech ni Cayetano sa SEAG closing ceremony

Naglipat na lang ng channel ang ibang netizen nang marinig ang speech ni House Speaker at Phisgoc chairman na si Alan Peter Cayetano.

Ayon sa mga netizen, tila nagyabang lang si Cayetano sa speech niya sa closing ceremony para sa 30th Southeast Asian Games.

Ito’y matapos niyang simulan ito sa pagmamalaki na ang ‘Pinas ang may pinakalamalaking SEA Games event sa 56 sports at 530 events.

Sinabi din ni Cayetano na ang ngayong SEA Games ang may pinakamaraming viewership sa naturang biennial event.

Isa pa sa mga pinuna ng mga netizen ay tila naging sermon ng pari ang talumpati ng House Speaker.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?