136

Jun 10, 2021 @ 13:40

Nagyabang lang? Isabelle Daza pinulutan sa Pfizer sumbrero

Nainis ang ilang netizen kay Isabelle Daza dahil tila insensitive umano ito sa kanyang suot na sumbrero na may nakasulat na ‘vaccinated by Pfizer’.

Sa Instagram post ni Isabelle, binida niya at kanyang asawa na si Adrien Semblat ang kanilang cap para ipakitang nabakunahan na sila ng Pfizer vaccine.

Sa Hong Kong kasalukuyang nakatira ang dalawa kung saan pwedeng makapili ng mga bakuna ang residente ng naturang bansa.

Hindi nagustuhan ng mga netizen ang post ni Isabelle dahil tila ginagawa raw nitong ‘social status’ ang brand ng bakuna.

Ayon kay @hellohanina, “So anong purpose nung post ni Isabelle Daza na vaccinated sila ng Pfizer? Magyabang? If it’s meant to raise awareness on the importance of vaccination, bakit kailangan included ‘yung brand?”

Banat naman ni @gio_giomezza, “Not Isabelle Daza making vaccination a social status. Remember guys, the best vaccine is the one which is available.”

Burado na sa Instagram ang naturang post ni Isabelle, at may ilan namang dumepensa sa aktres.

Ang naturang cap ay gawa ng Solo Club, kung saan parte ng benta nito ay ibibigay sa India para labanan ang COVID-19 outbreak sa naturang bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?