962

Dec 1, 2017 @ 22:03
By

Nagsusulong ng ‘RevGov’, dapat kasuhan – Drilon

Hinamon ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang administrasyong Duterte na kasuhan ang mga hayagang nagsusulong ng pagtatag ng revolutionary government o RevGov.

Binigyang-diin ni Drilon, dating kalihim ng Department of Justice, na labag sa Konstitusyon ang pagsusulong ng revolutionary government kaya dapat maparusahan ang naggigiit nito.

Alam nila na ito’y bawal sa ating Saligang Batas ngunit hinayaan lang nila dahil pawang mga kaalyado nila ang nasa likod nito,” ayon kay Drilon.

Hindi aniya dapat paligtasin sa asunto kahit pa kaalyado at taga suporta ng administrasyong Duterte ang nasa likod nito.

Kahapon, Bonifacio Day, nagsagawa ng rally ang mga pro-Duterte groups na nanawagan sa pagtatatg ng revgov para maging transisyon ng bansa tungong federal government na ipinangako ng Pangulo noon pang kampanya.

Sinundan nila ang ilang beses na banta ng pangulo na magdedeklara ito ng revgov kapag pinagsabwatan siya ng mga “dilawan” at mga “makakaliwa.”

Nilinaw naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi inaadhika ng pangulo ang revolutionary goverment. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?