15
sandiganbayan
By

Nagsulong ng PDAF case nanindigan: Revilla nilustay ang pork

Sharing is caring!

Tanggap umano ni Atty. Levito Baligod, isa sa mga nagsulong ng kaso laban kay dating Senador Bong Revilla, ang kinahinatnan ng inihain nilang reklamo laban sa dating mambabatas.

Kasunod na rin ito ng pag-abswelto ng Sandiganbayan kay Revilla sa kasong plunder.

Si Baligod ay ang private complainant na nagsulong ng reklamo sa Tanggapan ng Ombudsman laban kay Revilla na inaakusahan ng anomalya sa paggamit ng P224 million na bahagi ng kanyang pork barrel fund.

Ayon kay Baligod, nauunawaan niya na ang desisyon ng Sandiganbayan ay resulta ng judicial process.

Pero hindi umano maiaalis ng naging pasya ng korte ang katotohanan na ang PDAF ni Revilla ay nagamit sa maling paraan.

“As the private complainant, I accept the verdict as it is the result of the judicial process that we have. The verdict doesn’t erase the fact, though, that the PDAF of then Senator Bong Revilla was misused in a manner so detestable,” saad ni Baligod.

Kasabay nito, nanawagan siya sa Kongreso na magpatupad ng reporma sa proseso ng pagbabadyet ng gobyerno para maiwasan na ang pork barrel system na una nang idineklarang unconstitutional ng Korte Suprema.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }