980

May 4, 2021 @ 18:19
By

Nagse-sex sa likod ng city hall, huli sa akto!

Hindi napigilan ng mainit na panahon ang pagnanasa ng isang 35-anyos na lalaki at 43-anyos na babae na nahuli sa aktong nagtatalik sa likod mismo ng Davao City Hall nitong Lunes ng tanghali, Mayo 3.

Ayon sa mga awtoridad, isang empleyado ng city hall ang nakahuli sa dalawa na hindi inalintana ang matinding sikat ng araw mapagbigyan lamang ang tawag ng kanilang laman.

Nang dumating sa lugar ang mga pulis ay nasa gitna pa umano ng pagtatalik ang dalawa. At nang mapansin nila ang mga awtoridad ay parehas pa umano silang gulat na gulat at dali-daling nagsipagbihis.

Dagdag pa ng mga pulis, parehas pamilyado ang dalawa. Ang lalaki ay residente ng Barangay 2-A habang ang babae naman ay nakatira sa Barangay 1-A, Poblacion District.

Hindi na pinangalanan ng mga pulis ang dalawa, ngunit sila ngayon ay nahaharap sa kasong public scandal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?