43
Nagpo-promote ng droga! Kantang ‘Amatz’ hinarang ng PDEA
By

Nagpo-promote ng droga! Kantang ‘Amatz’ hinarang ng PDEA

Nagpahayag ng pagkadismaya ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa awitin ng Shanti Dope na may titulong “Amatz” at hiniling sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit (OPM), sa ABS-CBN Corporation at iba pang media station na huwag itong patugtugin sa ere.

Sa ipinadalang liham ni PDEA Director General Aaron Aquino nitong Mayo 20 sa mga nabanggit na tanggapan at network, ipinaliwanag niya na ang chorus ng nasabing awitin na tumutukoy sa “Lakas ng amats ko, sobrang natural, walang halong kemikal”, at ang lyrics na nagsasabing “Ito hinangad ko; lipadin ay mataas pa sa kayang ipadama sayo ng gramo, di bale ng musika ikamatay”, ay tila ipino-promote ang paggamit ng marijuana.

“It appears that the singer was referring to the high effect of marijuana, being in its natural/organic state and not altered by any chemical compound. We respect and appreciate our artists in the music industry, however, we strongly oppose the promotion of musical pieces or songs that encourage the recreational use of drugs like marijuana and shabu. It is contrary to our fight against illegal drugs,” giit ni Aquino.

Binigyang-diin ni Aquino na sa pag-eere ng awitin ay tila inilalarawan nito na ang paggamit ng iligal na droga ay hindi nakakapinsala na posibleng ikalito ng mga kabataan at sa kanilang pang-unawa ay hindi masama ang paggamit nito.

“This runs contrary to Duterte’s administration crusade against illegal drugs,” dagdag pa ng PDEA chief.

Bukod pa dito hiniling din ng opisyal ng PDEA na huwag ding patugtugin sa ere ang mga kanta o awitin na kaparehas nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?