6

Dec 29, 2020 @ 10:24
By

Nagpaturok na kalihim 1 lang pala – Año

Kinlaro ni Interior Secretary Eduardo Año na isang lalaking miyembro lang ng Gabinete ang naturukan ng COVID-19 vaccine galing China.

Matatandaang nilantad kahapon ng kalihim na may ilang miyembro ng Gabinete at ng Presidential Security Group (PSG) na nabakunahan na.

“I’d like to correct myself: I only know just one member of Cabinet,” sabi ni Año sa isang panayam ngayong araw.

“But I cannot disclose his identity because I don’t want to violate his right to privacy,” saad niya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?