167

Sep 15, 2021 @ 17:39
By

Nagpasikat ng ‘Pusong Bato’ pumanaw

Hindi na umabot sa kanyang kaarawan ang composer ng OPM hit song na “Pusong Bato” sa September 24.

Kinumpirma ng anak ni Renee “Alon” dela Rosa ang pagpanaw ng singer-songwriter nitong Miyerkoles.

“Wala na po si Papuy Renee Alon,” sabi ni Justine dela Rosa sa Facebook post.

Hindi binanggit ni Justine ang dahilan ng pagkamatay ng kanyang ama pero batay sa mga post niya sa FB ay nahirapan silang i-admit sa ospital ang singer at nangailangan ng oxygen tank.

“Badly needed, private hospital with available room. Or baka may kakilala po kayo na tao na marrefer nyo po sa amin. Please po need ma-admit sa ospital ng papa ko. We need your help po PS: nasa ambulance pa rin po si papa at kanina hapon pa po sila paikot-ikot sa iba’t ibang ospital wala po nag-aadmit dahil puno po yung rooms,” saad ni Justine.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?