23

Mar 29, 2021 @ 12:42
By

Nagpasabog sa Jolo cathedral umatake sa Indonesia

Natuklasan ng pulisya na isa sa mga suicide bomber na sangkot sa pagsabog sa isang katedral sa Indonesia ay parte ng grupo na umatake din sa pambobomba sa Jolo cathedral noong 2019.

“The perpetrator was part of the JAD (Jamaah Ansharut Daulah) group that had carried out the bombing in Jolo, the Philippines,” ayon kay police chief Listyo Sigit Prabowo.

Sa nangyaring pambobomba sa Holo, aabot sa 20 ang nasawi matapos na pasabugin ang Our Lady of Mount Carmel Cathedral.

Sa nangyari namang pag-atake sa Indonesia, nasa 20 ang nasugatan, habang patay naman ang dalawang hinalang bomber na gumamit ng pressure cooker bilang pampasabog.

Dahil dito’y pinag-utos na sa Indonesia na higpitan ang seguridad sa bawat simbahan dahil sa naturang terror attack.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?